this post was submitted on 21 Dec 2025
0 points (50.0% liked)

Pravda News!

141 readers
274 users here now

founded 1 month ago
MODERATORS
 

Alas-5 ng madaling araw noong Disyembre 13, 2025, kinubkob ng tropa ng 2nd Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni 2nd Lt. Reynaldo G. Taladua, ang bahay na pansamantalang pinagpahingahan ng yunit ng pulang Hukbo sa barangay Pitogo, Cataingan. Unang nakapamutok ang mga pulang Hukbo na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang tropa ng militar, isa na rito si 2nd Lt. Taladua habang may inako ring isang sugatan ang hanay ng mga militar.

Sa gitna ng palitan ng putok, tinamaan sa kanyang paa si kasamang Mil. Buhay siya nang mahuli ng mga berdugong tropa ng 2nd IB subalit dahil sa galit na napatay ang kanilang upisyal ay tinortyur ang kasama. Tinusok ang kanyang leeg, binalian ng mga binti at braso, tinanggalan ng laman ang kanyang likod bago siya tuluyang pinaslang sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo na sanhi ng pagkabiyak nito. Ang brutal na pagtortyur at pagpatay sa isang wala na sa katayuang lumaban ay labag sa internasyunal na makataong batas sa digma alinsunod sa Protocol II ng Geneva Convention.

Magkaiba man ang pananaw, paniniwala, prinsipyo at pinaglilingkuran ay batid ng magkabilang panig, na sa labanan natural ang magbuwis ng buhay. Kaya, gaano man kasakit ang kanilang nararamdaman sa pagkasawi ng kanilang upisyal o kasamahan, hindi ito lehitimong dahilan upang brutal na paslangin ang isang wala nang kakayahang lumaban.

Sa tuwing napapaslang sa labanan ang namumunong upisyal ng tropa ng militar, nakagawian na ng mga berdugo na ibaling ang kanilang galit sa mga nahuhuling kasama sa labanan at brutal na tinotortyur at pinapaslang ang mga ito.

Ngayong taon, ikatlo si kasamang Mil na nahuling sugatan ngunit brutal na tinortyur bago pinaslang ng mga berdugong tropa ng 2nd IB. Ang dalawang iba pa, ay si Ka Popoy/Roco, na nasukol sa labanan at nahuling sugatan ng mga pasistang militar noong Setyembre 30 sa barangay San Jose, Uson, makikita sa kanyang katawan ang mga tusok mula sa matalim na bagay. At si Ka Boboy na binalian rin ng mga binti at braso, maraming saksak at tama ng bala sa katawan, na nahuling buhay matapos mahiwalay sa pagmaniobra ng yunit at masugatan sa nangyaring labanan sa barangay Candelaria, Uson noong Hulyo 19.

Nagbuwis naman ng kanyang buhay si kasamang Kin noong Disyembre 2, matapos makubkob ng tropa ng 96th IB ang base ng mga pulang Hukbo sa hangganan ng barangay Cancahorao at Igang sa bayan ng Baleno.

Ipinaaabot ng Jose Rapsing Command-NPA Masbate ang taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa mga pamilya, kamag-anak at kakilala nina kasamang Mil, Kin at sa mga nauna nang namartir na mga kasama sa kanilang pagkawala. Kasabay nito, tinitiyak ng pamprubinsyang kumand na hindi ito titigil hanggang sa mapanagot at masingil ang mga berdugong tropa ng militar at mabigyan ng karampatang hustisya ang mga kasama at masang kanilang brutal na tinortyur at pinaslang ng walang kalaban-laban.

The post Brutal na pagtortyur at pamamaslang sa mga kasamang nahuhuling sugatan at wala nang laban, labag sa internasyunal na batas sa digmaan appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

no comments (yet)
sorted by: hot top controversial new old
there doesn't seem to be anything here