this post was submitted on 20 Dec 2025
2 points (100.0% liked)

Pravda News!

141 readers
216 users here now

founded 1 month ago
MODERATORS
 

Mariing kinundena ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK) ang nagpapatuloy na Red-tagging, panggigipit at intimidasyon ng NTF-Elcac kay Jeverlyn Saguin, deputy secretary -general nito.

Noong nagdaang mga linggo, lumaganap sa Facebook ang mga paskil na malisyosong nagdadawit kay Seguin sa rebolusyonaryong kilusan. Pinangunahan ito ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines. Nagpakalat din ng polyeto kung saan ni-red-tag si Seguin sa Dasmariñas, Cavite, mga karatig na barangay at loob ng komunidad ng Lupang Ramos. Naiulat din ang mga insidente ng surbeylans, iligal na pagkuha ng kanyang litrato at pagpapalipad ng drone sa kanyang tinutuluyan na bahay.

Noong 2024 unang nakaranas ng pambabanta, panghaharas at intimidasyon si Seguin mula sa NTF-Elcac. Noong Marso 2024, tinutukan siya at kanyang mga kasama ng baril ng mga pulis at ng mga elemento ng 59th IB habang sila ay nananaliksik sa epekto ng El Niño sa mga magsasaka ng Batangas. Pinakalat din ang litrato ni Seguin sa kampuhan ng mga magsasaka sa barangay Tartaria, Silang, Cavite ng PNP Silang.

Ayon sa grupo, hindi naiiba ang nararanasan ng panggigipit kay Seguin. Sunud-sunod ang mga operasyon ng NTF-Elcac laban sa mga lider-magsasaka, manggagawa, kabataan, at maralita sa rehiyon. Layon nitong pigilin ang kanilang paglaban sa nabubulok na sistemang umiiral sa bansa. Dahil sa papalalang burukratikong kurapsyon na nagtutulak sa mamamayan na panagutin sina Marcos at Duterte, gagawin nito ang lahat para busalan ang lahat ng nagmumulat, nag oorganisa, at nagpapakilos sa mamamayan.

“Sama-samang nating papanagutin ang rehimeng US-MARCOS Jr at AFP sa mahaba nitong listahan ng mga paglabag sa karapatang-tao sa Timog Katagalugan. Tanging sa walang humpay na pagpapanawagan at sama-samang pagkilos ng masang Pilipino mapapanagot ang paglabag sa karapatang pantao ng pasistang rehimeng US-Marcos Jr. at pagbubuwag ng NTF-Elcac,” pahayag ng Kasama-TK.

Nagpapahayag ng pakikiisa kay Seguin ang Bagong Alyansang Makabayan-Laguna, Anakbayan Laguna, Southern Tagalog Cultural Alliance, Kabataan Partylist-Rizal, Tanggol Quezon, Defend Southern Tagalog, Kabataan Partylist-Laguna, at Sugarfolks’ Unity for Genuine Agricultural Reform-Batangas.

The post Panggigipit ng NTF-Elcac sa organisador ng mga magsasaka sa Southern Tagalog, kinundena appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

no comments (yet)
sorted by: hot top controversial new old
there doesn't seem to be anything here