this post was submitted on 20 Dec 2025
2 points (100.0% liked)

Pravda News!

141 readers
186 users here now

founded 1 month ago
MODERATORS
 

Mariing kinundena ng Sambilog-Balik Bugsuk Movement ang inilabas ng korte na temporary restraining order (TRO) laban sa kanila noong Disyembre 17. Sa loob ng 20 araw, pinagbabawalan sila na hadlangan ang pagpasok ng mga mang-aagaw ng lupa sa sityo na kinatakawan ng dating direktor ng National Commission on Indigenous People (NCIP) na si Cesar Ortega.

Ayon sa mga residente, nakababahala ang napakabilis na paglabas ng TRO ng korte. Inilabas ito apat na araw matapos ang kanilang pagdinig sa Regional Trial Court sa Brooke’s Point, Palawan noong Disyembre 11.Malinaw na may kinalaman ang kaso na ito sa plano ng San Miguel Corporation (SMC) na agawin ang kanilang lupang ninuno. Ilang taon nang tinatangka ng Bricktree Properties, subsidyaryo ng SMC, na angkinin ang lupain upang pagtayuan ng 25,000 ektaryang imprastrakturang panturismo para sa sobrang mayayaman.

Nangangamba ang mga residente na maaring samantalahin ng mga armadong tauhan ng SMC ang paparating na bakasyon ng korte para sa Kapaskuhan para maglunsad muli ng armadong pagsalakay, demolisyon at sapilitang pagpapalayas sa kanila.

Kasalukuyang nasa 300 katutubong Molbog, Pala’wan, Cagayanen at mga residente ang nakatira sa Sityo Marihangin.

Ang Sityo Marihangin ay lupang ninuno na matagal nang inaangkin noong panahon pa ng diktaduryang Marcos. Ang kanilang aplikasyon para Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ay nanatili parin nakabinbin simula 2005. Binawi naman noong 2014 ang pag kober ng agrarian refor sa mahigit 10,821 ektarya nilang lupain na isang paglabag sa kanilang lupain ninuno na nasa ilalim ng Indigenous Peoples’ Rights Act, sa konstitusyon at sa internasyunal na makataong batas.

Nananawagan ang Sambilog-Balik Bugsok Movement sa NCIP na padaliin ang proseso ng kanilang aplikasyon para sa CADT, maglunsad ng independyenteng imbestigasyon ang Commission on Human Rights sa mga iregularidad ng korte at paglabag sa karapatang pantao sa sityo. Nananawagan din ang grupo para sa direktang interbensyon ng adminstrasyong Marcos at pigilan ang pagpapalayas sa kanila ng SMC. Nananawagan din ito sa mamamayan, sa organisasyon ng nagsusulong ng karapatang tao, taong simbahan at grupong makakalikasan na kagyat na ipalaganap ang kanilag panawagan at panagutin ang mga nasa awtoridad.

The post Mga katutubo sa Palawan, hinainan ng TRO sa sariling lupa appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

no comments (yet)
sorted by: hot top controversial new old
there doesn't seem to be anything here